Nabuo na rin ng Senado ng Amerika ang pagpapatibay ng ground rules na siyang magsisilbing basehan sa impeachment trial laban kay US President Donald Trump.
Inabot ng record breaking na 13 oras o hanggang madaling araw ang mainit na balitaktakan ng mga Democrats, Republicans at ang defense lawyers ni Trump.
Ang mga Republicans na supporters ni Trump kung saan kontrolado ang Senado ay hinarang ang hirit ng mga Democratic prosecutors na dagdagan pa ang mga testigo.
Sa unang araw ng Senate trial ay nagkataong dumadalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland si Trump.
Samantala, hindi nakalusot ang paggigiit ng mga Democratic prosecutors na mailabas pa ang mga dokumento tulad ng mga White House files.
Ito ay makaraang lumabas ang botohan batay pa rin sa partido na 53 votes mula sa Republicans at 47 votes ng Democratic senators.
Kabilang sa nagbanggaan sa debate ang leader ng House prosecution team mula sa Democrats, ang chairman ng House intelligence committe na si Representative Adam Schiff.
“Trump’s lawyer claimed the House isn’t ready to present our case. We’re ready. The House calls John Bolton to testify. The House calls Mick Mulvaney. We’re ready to present our case, ready to call witnesses, ready to see the documents. The question: Will the Senate let us?”
Todo depensa naman ang mga bigating abogado ni Trump sa pangunguna ng attorney na si Jay Sekulow.
Si Sekulow ang chief counsel ng American Center for Law & Justice at host sa isang radio at television talk show.
Bago ito balak sana ng Senate Majority Leader Mitch McConnell paabutin lamang ng dalawang araw ang mula sa tatlo ang mga opening arguments.
Pero umalma ang Democrats at sinabing bahagi ito ng “cover-up.”
Dahil dito nagpulong mga senador at sa huli napagkasunduan na gawin pa rin na tatlong araw ang opening arguments.
Si Mr. Trump ang ikatlo sa US president na isinailalim sa impeachment trial at ipinagsakdal ng House controlled Republicans.
Inakusahan siya ng “abuse of power” at “obstructing the congressional inquiry” bagay na tinawag niyang gawa-gawa lamang o “hoax.”
Nag-ugat ang kaso laban kay Trump sa pagtawag nito sa lider ng Ukraine kung saan nais niyang ipaimbestiga doon si dating US Vice-President Joe Biden sa isyu ng negosyo ng anak. Si Biden ay inaasahang magiging mahigpit na karibal ni Trump sa 2020 presidential elections.