-- Advertisements --
Inakusahan ni US President Donald Trump ang Department of Justice at Federal Bureau of Investigation (FBI) na “missing in action” mula pa noong araw ng halalan.
Sinabi nito na tila nagbubulag-bulagan ang FBI at US DOJ sa nagaganap na dayaan sa halalan.
Kahit na lumapit sa kaniya at mag-alok ng tulong tungkol umano sa dayaan sa halalan ay hindi nagawa ng DOJ at Supreme Court.
Magugunitang kinukuwestiyon ng kampo ng US President ang naganap na halalan kung saan tinalo siya ni Democratic president candidate Joe Biden.