Inakusahan ni dating US national security adviser John Bolton si President Donald Trump ng paghingi ng tulong kay Chinese President Xi Jinping para manalo ito sa reelection niya.
Ito mismo ang nilalaman ng libro na nakatakdang ilabas ni Bolton.
Sinabi nito na naganap ang insidente sa pagpupulong ng dalawang pangulo noong June 2019.
Iminungkahi pa ni Trump ang kahalagahan ng pagsasaka at ang pagtaas ng Chinese purchases ng soybeans at wheat sa electoral outcome.
Ang nasabing libro na The Room Where It Happened ay nakatakdang ilabas sa June 23 subalit pinipigilan itong ilabas ng Trump administration.
Magugunitang noong Pebrero ay muntik ng ma-impeached si Trump dahil sa alegasyon na pagpressure sa pangulo ng Ukraine para imbestigahan si Democratic presidential candidate Joe Biden at anak nitong si Hunter.