-- Advertisements --
Inakusahan ni US President-elect Donald Trump ang administrasyon ni President Joe Biden na itinatago ang ilang impormasyon sa mga namataang drones sa ilang bahagi ng New Jersey.
Sinabi nito na marapat na ibigay ng US Government ang tunay na impormasyon ukol sa nasabing mga naglipanang drones.
Magugunitang maraming mga airbases sa US ang isinara matapos namataan ang ilang mga drones kung saan pinabagsak ng US military ang ilan sa mga dito.
Nananatiling nakaalerto na rin ang mga airbases ng US dahil sa patuloy ang pagdami ng mga drones na nakikita sa iba’t-ibang panig ng US.