-- Advertisements --

Binalaan ng mga Democratic congressman si US President Donald Trump na posibleng madagdagan pa ang kaso nito.

Ito ay matapos umano na takutin ang witness sa impeachment complaint sa US President.

Sinabi ni Democratic Rep. Dan Kildee na posibleng isama nila ang intimidation sa articles of impeachment.

Naganap ang nasabing pananakot habang tumetestigo si ex-ambassador to Ukraine Marie Yovanovitch at nag-tweet si Trump na kinokontra ang nasabing impeachment hearing.

Sinabi ng mambabatas na malinaw na nais na harangin ni Trump ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pananakot sa mga witness.

Magugunitang sinimulan na ng US congress ang impeachment trial kay Trump dahil sa pagtawag nito sa Ukraine president na pinapaimbestiga ang katunggali nito sa pulitika na si Joe Biden.