Hinikayat ni outgoing US Pres Donald Trump ang mamamayan ng Amerika na pahupain na ang nangyaring karahasan sa US Capitol at ipinapanawagan ang pagkakasundo ng lahat.
Sa kaniyang mensahe na inilabas, inamin nito sa harap ng publiko na hindi na siya maglilingkod sa pangalawang termino.
Binati rin nito si President-elect Joe Biden at kinikilala ang gagawing paglipat ng kaniyang kapangyarihan sa bagong halal na pangulo ng Amerika.
Aniya, nakatuon siya ngayon sa maayos na paglipat ng kapangyarihan na gagawin sa Enero 20.
“A new administration will be inaugurated on January 20,” ani Trump sa taped video sa White House. “My focus now turns to ensuring a smooth, orderly and seamless transition of power.”
Ang ginawang pagkilala ni Trump sa kanyang pagkatalo ay dumarating na rin dalawang buwan makalipas ang halalan noong Nobyembre.
Ginawa niya rin nito habang lumalawak ang panawagan para sa kanyang pagtanggal sa puwesto o isang bagong impeachment na isinusulong ng mga Democrats.
Ipinaabot rin nito ang kaniyang pagkondena sa ginawang marahas na paglusob ng mga raliyesta sa US Capitol na ikinagimbal ng buong mundo.
“And to all of my wonderful supporters, I know you are disappointed. But I also want you to know that our incredible journey is only just beginning.”
Sa ngayon, inaanyayahan ni Trump ang mamamayan ng Estados Unidos na mag-move on sa nasabing pangyayari. (with reports from Bombo Jane Buna)