-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang kaniyang reciprocal tariffs.

Bagamat hindi na nito idinetalye ang nasabing bagong taripa ay sinabi niya na magiging epektibo ito sa buwan ng Abril.

Ilan sa mga binanggit lamang ni Trump ay ang magbabalik na sa US ang mga pagawaan ng gamot at microchip.

Ang car tariffs aniya ay makakatulong sa industriya ng sasakyan sa kanilang bansa.

Una ng sinabi ni Trump noong ito ay nangangampanya sa halalan na ang pagawaan ng sasakyan ng China ay siyang sumisira sa auto industry nila.