-- Advertisements --

Umapela si dating US President Donald Trump sa ruling ng huwis sa New York kung saan pinagbabayad ito ng $454 milyon bilang penalties at interest ng kaniyang civil fraud case.

Sinabi ni New York Attorney General Letitia James na kung sakaling hindi magbayad si Trump ay hihilingin nito sa korte na kunin ang estado ang kaniyang mga assets.

Napatunayan kasi ng korte na pineke nito ang mga halaga ng kaniyang property para makakuha ng magandang loan term.

Dahil sa nasabing kaso ay pinagbabayad ito ng $355 milyon pero ang halaga ay tumaas pa dahil sa interest na $112,000 kada araw.

Pinagbawalan din ni Judge Arthur Engoron ang dating pangulo na magnegosyo sa New York sa loob ng tatlong taon.

Una ng sinabi ni Trump na ang hatol sa kaniya ng korte ay may halong pamumulitika.

Umaasa naman ang abogado nito na si Alina Habba na mababaligtad ang hatol para manumbalik ang tiwala ng publiko sa justice system.