Ikinagalit umano ng mga local na opisyal ang ginanap na indoor rally ni US President Donald Trump sa Henderson, Nevada.
Malinaw daw kasi na paglabag ito sa umiiral na ban sa mga pagtitipon ng mahigit sa 50 katao.
Sinasabaing magkakadikit dikit pa ang mga dumalo sa naturang political rally.
Karamihan din daw sa mga ito ay wala ring suot na mga face mask.
Ang naturang malaking pagtitipon ay sa gitna na rin na ang Amerika ay nahaharap sa matinding krisis kung saan halos 200,000 na ang death toll bunsod ng COVID-19.
Matagal na rin kasing isinusulong ni Trump ang pagsasagawa ng campaign rallies dahil mas nakaka-connect daw kasi ito sa kaniyang mga tagasuporta kaysa sa kaniyang ginagawa sa Washington, DC na isinisisi naman nito sa mababang poll numbers na kaniyang nakuha.