-- Advertisements --
Inimbitahan ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Marso.
Sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na sa darating na March 14 ay inanyayahan ni Trump si Duterte sa Las Vegas kasama ang iba pang lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang nasabing imbitasyon ay una nang napag-usapan sa isinagawang ASEAN-US meeting sa summit sa Bangkok noong Nobyembre at ito ay muling inulit sa sulat nito noong Enero 9, 2020.
Dagdag pa ng PCOO, ang pag-uusap ng dalawang lider ay para mapalakas paang alyansa ng Pilipinas at US.
Inaantay naman ngayon kung ano ang magiging kasagutan ng Pangulo sa naturang imbistasyon ni Trump.