-- Advertisements --

Nirerespeto ni dating US President Donald Trump ang naging desisyon ng korte na bayaran sa loob ng 10 araw ang $175 milyon mula sa dating $464-M dahil sa fraud case nito.

Sinabi nito na aabutin nila ang nasabing deadline para sa pagbayad ng nasabing halaga.

Nagbunsod ang kaso dahil sa pamemeke ni Trump ng halaga ng kaniyang yaman para ito ay makautang ng malaki sa banko.

Tiniyak naman ni New York Attorney General Letitia James na mahaharap pa rin sa kaso si Trump dahil sa kaniyang kaso.