Inanunsiyo ngayon ni US President Donald Trump ang pagsuspinde ng lahat ng mga biyahe mula Europa patungong Estados Unidos sa loob ng isang buwan.
Ang hakbang ng Amerika ay upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng pagkalat ng deadly virus.
Magiging epektibo ang travel ban simula sa Biyernes ng hatinggabi, oras sa Amerika.
Meron naman aniyang mga exempted pero depende sa sitwasyon.
Samantala hindi naman kasama sa ipapatupad na travel ban ang United Kingdom.
Sa ngayon nasa mahigit 1,200 na ang nagpositibo sa coronavirus sa Amerika habang halos 40 na ang namatay.
“We will be suspending all travel from Europe to the United States for the next 30 days. The new rules will go into effect Friday at midnight. These restrictions will are be adjusted subject to conditions on the ground,” ani President Trump mula Oval Office. “These prohibitions will not only apply to the tremendous amount of trade and cargo, but various other things as we get approval. Anything coming from Europe to the United States is what we are discussing. These restrictions will also not apply to the United Kingdom.”