Nahaharap ngayon sa kabi-kabilang kritisismo si US President Donald Trump matapos ang magkasunod na mass shooting incidents sa United States sa loob lamang ng isang araw.
Iniuugnay ang malagim na krimen na ito sa “white nationalism” at maging sa pagkamuhi sa mga immigrants na patuloy na nakakapasok sa naturang bansa.
Sa loob lamang ng 24 oras ay umabot na sa 30 katao ang namatay sa magkahiwalay na pamamaril sa El Paso, Texas at Dayton, Ohio.
Sa pahayag ni Trump bago ito umalis patungong New Jersey, wala umanong lugar ang kahit anong uri ng hate crime sa Estados Unidos ngunit tikom naman ang bibig nito hinggil sa mas mahigpit na gun control sa kanilang bansa.
“This has been going on for years, for years and years in our country and we have to get it stopped,” ani Trump kasabay nang pagsasabi na may sakit sa pag-isiip ang suspek o “very, very seriously mentally ill.”
Bagama’t nagbigay na ng maikling pahayag ang American President tila hindi naman ito ikinatuwa ng nakararami dahil mas inuna pa raw ni Trump na maglaro ng golf kaysa harapin ang nangyaring krimen.
Malaki rin daw ang naging impluwensya ng krimen na ito sa nakaraang pagpapatama ni Trump sa apat na Democratic congresswomen.
Sa Texas massacre, itinuturing ng mga otoridad na isang uri ito ng domestic terrorism.
Sinabi ni US Attorney for Western District of Texas John Bash, na may mga online post ang 21-anyos na white-man suspek.
Nananawagan pa ito ng Hispanic invasion of Texas.
Posibleng maharap ang suspek ng federal hate crime at firearms charges na may hatol na kamatayan.
Itinuturo na ang suspek na si Patrick Crusius na naninirahan sa Allen, Dallas na siyang nasa likod ng pagpapakalat ng 8chan, isang online message board na ginagamit ng far right.
Bagamat wala pang inilabas na pangalan ay kinumpirma ni Mexico’s President Andres Manuel Lopez Obrador na tatlong kababayan nila ang nasawi sa insidente.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa