Sinusubukan ngayon ni President Donald Trump na limitahan ang posibleng pagkasira ng samahan sa pagitan ng Turkey at United States matapos ulanin ng kabi-kabilang kritisismo ang naging desisyon nito na bawiin ang U.S. troops sa northern boarder ng Syria.
Ito ay matapos utusan umano ni Trump si Turkish President Recep Erdogan na tuluyan nang itigil ang military incursion na ginagawa ng kaniyang rehiyon laban sa Syria.
Ayon kay US Vice President Mike Pence, personal na tinawagan ni Trump ang Turkis president upang magkaroon ng kasunduan sa agarang ceasefire.
Dagdag pa ng bise-presidente, hindi umano hahayaan ng Amerika ang ginagawang invasion ng Turkey sa Syria. Nanawagan din ito sa Turkey na itigil na ang pagpapalaganap ng karahasan at makiisa na lamang sa usapin na magiging daan upang maayos ang nasabing sigalot.
Nakatakda namang tumungo si Pence sa Turkey para subukan na pumagitna sa krisis ng dalawang bansa.
Kinumpirma rin nito na pormal nang pinirmahan ni Trump ang executive order na magpapataw ng panibagong sanction laban sa ilang Turkish officials dahil sa patuloy na paglusob nito sa Syria.
Kasunod ito ng utos ni Trump na tuluyang bawiin ang kanilang pwersa militar mula sa northern boarder ng Syria upang maiwasan umano ng mga ito na makipagsagupaan din sa Turkish military.
Ang nasabing executive order ay magbibigay daan din sa Estados Unidos upang patawan ng parusa ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa human rights abuse at nagsisilbing banta sa kapayapaan, seguridad at kaayusan ng Syria.
“This Order will enable the United States to impose powerful additional sanctions on those who may be involved in serious human rights abuses, obstructing a ceasefire, preventing displaced persons from returning home, forcibly repatriating refugees, or threatening the peace, security, or stability in Syria,” saad sa pahayag.
“Since my first day in office, the Trump Administration has worked tirelessly to preserve the safety and security of the United States and its citizens. The United States and our partners have liberated 100 percent of ISIS’s ruthless territorial caliphate. Turkey must not put these gains in jeopardy. Turkey must also prioritize the protection of civilians, particularly vulnerable ethnic and religious minorities in northeast Syria. Indiscriminate targeting of civilians, destruction of civilian infrastructure, and targeting of ethnic or religious minorities is unacceptable. Additionally, the return of refugees must be conducted in a safe, voluntary, and dignified manner,” dagdag pa nito.