Kinonkonsidera ngayon ni US President Donald Trump na ipagbawal ang pagbebenta ng flavored vaping products.
Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng severe lung disease dahil sa paggamit ng electronic cigarette na ikinasawi na ng anim na katao.
Sa harap mismo nina US Health and Human Services Secretary Alex Azar at acting Food and Drug Administration head Norman Sharpless sinabi ni Trump na dapat gumawa na sila ng hakbang.
Maging aniya si US First Lady Melania Trump ay aktibo rin sa adbokasiya nito na pagbabawal ng vape at e-cigar dahil ito ay may anak din na lalaki.
Bukod sa anim na nasawi ay mayroong mahigit 450 katao ang naiulat na nagkasakit dahil sa pag-vape na ginagamit ang cannabis product.
Karamihang mga biktima ay nakakaranas umano ng hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.