-- Advertisements --
Nakatakdang ipaimbestiga rin ni US President Donald Trump ang nagbibigay ng maling impormasyon sa whistle blower na nasa likod ng kaniyang impeachment.
Ayon sa US President, na isang uri ng pang-iispiya ang nasabing ginagawa ng informants para sirain ang kaniyang imahe.
Hindi naman na nito binanggit pa ang pinaghihinalaang niyang nang-iispiya sa bawat galaw niya.
Hindi pa rin nakikilala ang sinasabing whistle blower na nagsisiwalat ng pagtawag ni Trump sa Ukrainian President para paimbestigahan si dating Vice President Joe Biden at ang pagkansela nito ng $400 million aide sa Ukraine.