-- Advertisements --

Ipinag-utos ni US President Donald Trump na ilagay ang watawat sa half-staff bilang paggalang sa namayapang si Pope Francis.

Ayon sa White House na epektibo ito sa lahat ng mga pampublikong gusali at lugar ganun din sa mga military post at naval station.

Kasama rin sa lahat ng mga naval vessels ng Federal Government sa District of Columbia sa buong Estados Unidos at mga teritoryo.

Magtatapos lamang ito sa hanggang sa araw ng libing ng namayapang 88-anyos na Santo Papa.

Magugunitang nitong araw ng Lunes ng ianunsiyo ng Vatican ang pagpanaw ng Santo Papa matapos ang ang mahigit isang buwan na pananatili sa pagamutan dahil sa kaniyang sakit na double pneumonia.