-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump ang ginawang trabaho raw ng kaniyang administrasyon para makagawa sila ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kaniyang kauna-unahang public appearance sa White House mahigit isang linggo matapos ang halalan, pinasalamatan nito ang Operation Warp Speed funding para agad na makagawa ng bakuna.

Ilan sa mga kompaniya na nakagawa na ng bakuna ay ang Pfrizer, Moderna at Astra Zenica.

Hindi aniya mapapantayan ng anumang bansa ang itinaguyod nitong Operation Warp Speed.

Itinuturing niyang limang beses itong mas mabilis na vaccine development sa kasaysayan.

Tiniyak nito na kanyang bibigyan ng emergency authorization ang mga bakuna para magamit ng mga may edad, medical workers at ibang mga nasa vulnerable situations bago matapos ang taon.