-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na tuluyan ng bumaba ang bilan ng mga nawalan ng trabaho sa kanilang bansa.

Bumaba na kasi sa 13.3% na lamang ang unemployment rate mula noong huling linggo ng Mayo.

Ayon pa sa US president na resulta ito ng matinding trabaho na ginagawa ng kaniyang gobyerno pa ra mabawasan ang mataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho.

Itinuring pa nito ang ekonomiya na isang katawan na malakas pero kailangan lamang itong operasyon.

Noong Abril kasi ay umabot sa 14.7% ang unemployement rate na ito na ang pinakamasamang record sa isang buwan mula pa noong 1948.

Nagdagdag ng 2.5 million na trabaho ang US economy noong Mayo matapos ang 20.7 million na posisyon ang nawala noong Abril.