-- Advertisements --

Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang 90-araw na pagpapaliban sa pagpapatupad ng bagong taripa.

Paglilinaw ni Trump na ang mga reciprocal taripa lamang.

Hindi naman dito kasama ang China na itinaas ang taripang ipinataw ng hanggang 125 percent.

Umaasa si Trump na makikipag-ugnayan ang China sa kaniya para magkaroon ng kasunduan.

Ilang minuto matapos ang anunsiyo na ito ni Trump ay tumaas ang US stocks markets.