Ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang pagpapataw ng taripa sa mga produkto mula Canada at Mexico.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng ginawang pag-uusap ni Trump at Mexican President Claudia Sheinbaum at ang negosasyon ng pagitan ng mga opisyal ng Canada at US.
Sinabi ni Trump na pumayag ito na hindi magbabayad ang dalawang bansa base na rin sa United States-Mexico-Canada Agreement.
Maipapatupad lamang ang nasabing taripa sa darating na Abril 2.
Ang USMCA ay siyang kasunduan na isinulong ni Trump sa kaniyang unang termino.
Ito ay nangangahulugan na isang free trade zone ang tatlong North American countries.
Pinasalamatan ni Sheinbaum si Trump dahil sa pagrespeto sa USMCA kung saan iginiit nito na lahat ng mga produkto mula sa Mexico ay sakop ng nasabing kasunduan.