Ipinagtanggol ni US President Donald Trump ang ginawang malawakang pag-aresto ng mga Immigration and Customs Enforcement (ICE) officials sa mga undocumented na migrants.
Sinabi ng US President na hindi na dapat kunsintihin ang mga nangyayaring pagpasok ng mga iliegal migrants.
Nararapat lamang daw ang ginawa ng kanilang gobyerno na raids para tuluyang matigil na ang pagpasok ng mga ito.
Pinuri rin ni Trump ang ginagawa ng Mexico dahil pinipigilan ng kanilang gobyerno ang mamamayan nila na magtungo sa U.S.
“I want people to know that if they come into the United States illegally, they’re getting out,” ani Trump. “They’re going to be brought out. And this serves as a very good deterrent… When people see what they saw, like they will be for a long time, they know that they’re not staying.”
Magugunitang aabot sa 680 na mga undocumented immigrants ang naaresto ng Immigration and Customs Enforcement sa pitong food processing plants sa estado ng Mississippi.
Pinalaya naman ang nasa 300 mga naaresto habang ang iba ay kasalukuyang nasa detention facility ng Immigration office.