-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni US President Donald Trump ang una niyang pahayag na kanilang ita-take over ang Gaza.

Sinabi nito na nagulat na lamang siya sa reaksyon ng ibang bansa gaya ng Egypt at Jordan ukol sa pagkontrol ng Gaza at paglipat ng mga Palestino.

Giit nito na ang nasabing pahayag niya ay kaniyang i-re-rekomenda lamang ito.

Natitiyak niya na magtatagumpay ang nasabing plano kung saan kapag hawak na ng US ang Gaza ay tiyak na tuluyan ng mawawala ang mga Hamas militants.

Magugunitang ipinag-utos ni Trump na handang kontrolin ng US ang Gaza habang ang mga Palestino na maapektuhan ay maaaringkupkupin ng mga katabing bansa gaya sa Egypt at Jordan.