-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni US President Donald Trump ang bilyonaryong si Elon Musk.
Sinabi nito, na mayroong magandang trabaho si Musk at walang anumang napapala ito mula sa kaniyang trabaho sa White House.
Inatasan kasi ni Trump si Musk na bawasan ang mga gastusin ng gobyerno sa pamamagitan ng pamumuno ng Department of Government Efficiency (DOGE) na hindi naman opisyal na department ng US.
Ilan sa mga hakbang nila ay ang pag-take-over ng secure systems ng Treasury Department.
Una ng naghain sa korte ang ilang mga kritiko ni Trump para harangin ang hakbang na ginagawa ni Musk.