NEW ORLEANS, USA – Isinisisi ni US President-Elect Donald Trump sa maluwag na immigration policy at pagpasok ng mga dayuhan ang panibagong terror attack sa New Orleans, kung saan 10 ang nasawi at 35 ang sugatan.
“The crime rate in our country is at a level that nobody has ever seen before,” wika ni Trump.
Malaking issue ito sa America ngayon dahil ilang araw mula ngayon ay iodaraos doon ang malaking sporting event na Super Bowl, kung saan marami ang inaasahang dadalo.
Para kay Trump, ang mga krimen na ito ay nakakagulantang dahil hindi pa nangyari dati.
“The crime rate in our country is at a level that nobody has ever seen before,” pahayag pa ng president-elect.
Aniya, kaisa siya ng mga otoridad sa paghahanap ng katotohanan.
Aniya, ang administrasyong Trump ay ganap na susuportahan ang lungsod ng New Orleans habang sila ay nag-iimbestiga at bumabawi mula sa nasabing masamang pangyayari.