-- Advertisements --
Tiniyak ni US President Donald Trump na kaniyang tututukan ang nangyaring aksidente.
Handa rin ito ng magbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing biktima.
Patututukan niya sa Federal Aviation Authority ang mahigpit na imbestigasyon kung bakit nangyari ang nasabing aksidente.
Hindi rin nito maiwasan na sisihin ang nagdaang administrasyon dahil sa mga palpak na mga polisiya nito.
Pinasiguro nito sa mga mamamayan ng US na kaniyang babaguhin ang patakaran ng mga paliparan para hindi na maulit ang insidente.