Itinanggi n US President Donald Trump na kilala na kaibigan niya ang Wikileaks founder Juliane Assange.
Sinabi ng US President na hindi niya personal na kakilala ang Wikileaks founder taliwas ito sa naging pahayag niya noong 2016 election campaign na suportado niya ang Wikileaks.
Noong nakaraang kampanya kasi ay humanga si Trump sa Wikileak dahil sa pagsiwalat ng mga internal communications na ninakaw mula sa Democratic National Committee na pinamumunuan noon ni dating First lady Hillary Clinton.
Magugunitang puwersahang pinasok ng British police ang Ecuadorian Embassy sa London para arestuhin si Assange matapos ang pitong taon na asylum.
Inaresto ito matapos ang bigong pagdalo sa kaso nito UK noong 2012.
Kinasuhan na rin ito ng US Department of Justice dahi sa pakikipagsabwatan kay dating Army Intelligence analyst Chelsea Manning para manakaw ang mga sensitibong dokumento.