WASHINGTON – Sa bisperas ng kanyang tatlong araw na state visit sa United Kingdom, itinanggi ni US President Donald Trump na kanyang tinawag na “nasty” si Duchess of Sussex Meghan Markle.
Ito’y kahit na na-record ang pahayag na ito ni Trump sa kanyang interview sa isang British tabloid.
“I never called Meghan Markle ‘nasty.’ Made up by the Fake News Media, and they got caught cold! Will @CNN, @nytimes and others apologize? Doubt it!” saad ni Trump sa kanyang tweet.
Matatandaang komento ito ni Trump nang tawagin ito ni Markle na isang “misogynistic†noong kasagsagan ng kanyang pagtakbo sa 2016 presidential elections.
“Well, a lot of people are moving here, so what can I say,” tugon ni Trump. “No, I didn’t know that she was nasty.”
Sa kabila nito ay ipinapanalangin pa rin daw niya ang kaligtasan ni Meghan.
Sisimulan sa isang magarbong seremonya sa Buckingham Palace ang pagdalaw ni Trump sa Britanya, na susundan naman ng lunch kasama si Queen Elizabeth II. (AFP)