Napabilang na rin si US President Donald Trump sa ilang world leaders na hindi rin pinaligtas ng coronavirus.
Mula nang magsimula ang pandemic, nasa pitnong malalaking personalidad na o major world leaders ang nagpositibo sa COVID-19.
Kasama sa mga sikat na ito ay sina Brazilian President Jair Bolsonaro at British Prime Minister Boris Johnson, 55.
Kung maalala si Bolsonaro na 65-anyos, ay minaliit lamang noong una ang virus.
Gayunman ang kalagayan daw ngayon ni President Trump ay nabibilang sa high risk individual bunsod ng kanyang edad na 74-anyos.
Ang iba pang world leaders na nagka-COVID ay sina Juan Orlando Hernandez, ang Honduras president, noong nakaraang buwan naman ay si Guatemalan President Alejandro Giammattei, 64; Bolivian interim President Jeanine Anez, 53, at Luis Abinader, 53, ang elected president ng Dominican Republic.
Sa India naman si Vice President M. Venkaiah Naidu ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Sa Iran, ang isa sa adviser ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ay hindi pinaligtas ng COVID nang mamatay noong Marso.
Nagpositibo rin sa virus ang Senior Vice President Eshaq Jahangiri, Vice President Massoumeh Ebtekar at ilan pang cabinet members.