Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mamamayan ng United Kingdom sa sinabi ni US President Donald Trump na pangit ang pag-uugali ni Duchess of Sussex Meghan Markle.
Nangyari ito nang hingian ng komento si Trump matapos itong tawagin ni Markle na isang “misogynistic” noong kasagsagan nang kanyang pagtakbo sa 2016 presidential election.
Ayon dito, hindi niya raw batid na masama ang ugali ni Markle at hindi siya nito sinuportahan noong tumatakbo pa lamang siya.
Sa kabila nito ay ipinapanalangin pa rin daw niya ang kaligtasan ni Meghan.
Nakatakdang tumulak patungong United Kingdom ngayong araw ang presidente ng Estados Unidos para sa kanyang state visit sa nasabing bansa.
Una nang nagpahayag si Markle na hindi ito makikipagkita kay Trump sa oras na dumating ito sa UK.
Inaasahan naman ni Trump na magiging malugod ang pagtanggap ng UK community sa kanyang pagbisita.