Hindi ikinatuwa ng mga kritiko ni US President Donald Trump ang ginawa nitong pagbibiro kay Russian President Vladimir Putin.
Nangyari ito habang isinasagawa ang Group of 20 summit sa Osaka Japan kasama ang iba pang world leaders ng mga nangungunang bansa sa buong mundo.
Sa face to face meeting ng dalawang pinuno, biniro ni Trump si Putin na huwag na muling makialam sa susunod na US Presidential elections.
Ito ay kaugnay ng kontrobersyal na pagkakadawit ng Russia sa nakaraang US presidential elections upang siguraduhin ang pagkapanalo ni Trump.
Ang Group of 20 summit ay taunang pagpupulong ng mga pinuno mula sa 19 na bansang may pinaka malaki at mabilis na ekonomiya sa buong mundo.
Samantala, nababahala naman ang ilang world leaders dahil sa mas lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Sa inilabas na joint statement ng mga bansa tulad ng France, Germany, at UK ay inihayag nila ang kanilang pag-aalala sa iringan ng dalawang bansa.
Bukas naman sina French President Emmanuel Macron at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na kausapin si Trump patungkol sa Iran.