-- Advertisements --
Kinansela na ni US President Donald Trump ang biyahe nito sa Poland para mabantayan ang posibleng pananalasa ng Hurricane Dorian.
Dahil dito ay ipapadala na lamang niya si US Vice President Mike Pence.
Ayon sa US President mahalaga ang pagbabantay niya ng personal para matiyak ang kaligtasan ng kaniyang mamamayan.
Base sa taya ng National Hurricane Center (NHC) na malaki ang posibilidad na maging category four ang hurricane Dorian.
Ilan sa posibleng tamaan nito ay ang Florida at southern Georgia na maaaring manalasa sa araw ng Linggo.
Idineklara na rin ni Florida Governor Ron DeSantis ang state of emergency at pinayuhan ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa kapaligiran.