-- Advertisements --

Kinansela na ni US President Donald Trump ang kaniyang campaign rally sa Alabama ngayong weekends.

Ito ay dahil sa pangamba ng kaniyang mga campaign managers na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Maging si Alabama Governor Kay Ivey ay nagpahayag ng pagtutol sa anumang social gathering dahil hindi mapapanatili ang social distancing.

Muli kasing tumaas ang kaso ng coronavirus sa nasabing estado.

Magugunitang nasa 8 campaign staff ni Trump ang nagpositibo sa coronavirus ng isagawa nila ang campaign rally sa Tulsa, Oklahoma noong nakaraang buwan.