Binanatan ng kampo ni US President Donald Trump ang katunggali nitong si Joe Biden.
Ito ay dahil sa kailangan pang gamitin si dating US President Barack Obama para mangampanya sa kaniya.
Sinabi ni Tim Mutaugh ang campaign communications director ni Trump , nakikita na hirap si Biden na dalhin ang kaniyang pangalan sa pagkapangulo kaya tumawag pa siya ng reinforcement.
Naging abala na ang dalawang kampo isang araw bago ang huling Presidential debate at dalawang linggo bago ang November 3 elections.
Nangampanya si Trump sa Gastonia, North Carolina habang ang running mate nito na si Vice President Mike Pence ay nagtalumpati sa Make America Great Again rallies sa New Hampshire at Ohio.
Dadalo naman sa voter mobilisation events sa Ashevill at Charlotte sa North Carolina si Kamala Harris ang vice presidential candidate ng Democrats.
Ang nasabing event ay kinansela ni Harris noong nakaraang linggo matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang staff nito.