WASHINGTON – Kinumpirma ni President Donald Trump na target ng US salakayin ang nasa 52 sites sa Iran sakaling itutuloy ng Islamic republic ang kanilang pag atake laban sa mga American personnel o maging sa kanilang mga assets.
Nagbabala ito na ang gagawing pag-atake ng Estados Unidos ay magiging “very fast and very hard.”
Sa panibagong tweet ng US President, sinabi nito na ang 52 ay nag represent sa bilang ng mga Amerikano na hinostage sa US embassy sa Tehran sa loob ng isang taon nuong 1979.
Ibinunyag ni Trump na kabilang sa mga sites na target ng US ay kinukunsiderang mga mahahalagang lugar sa Iran.
Sa tweet ni Trump, “at a very high level & important to Iran & the Iranian culture, and those targets, and Iran itself, WILL BE HIT VERY FAST AND VERY HARD. The USA wants no more threats!”
Muling naglabas ng pahayag si Trump matapos magsalita ang mga pro-Iran factions na sasalakayin sa pamamagitan ng missiles ang lahat ng US installations sa may bahagi ng Iraq at binalaan ang mga Iraqui troops hinggil dito.
Ang galit ng mga taga Iran ay kasunod sa pagkakapatay kay Qasem Soleimani, na itinuturing pangalawang most-powerful man sa Iran.
Tiniyak ng Iran na sila ay maghihiganti sa pagkamatay ni Soleimani.
Naging dramatic ang pagkamatay ni Soleimani kung saan lalo pang lumalala ang tensiyon sa pagitan ng Washington at Tehran.
Itinuturing naman na retailatory response laban sa US ng magpakawala ito ng dalawang mortar rounds na tumama malapit sa US Embassy sa Baghdad.
Dalawang simultaneous rockets naman ang pinakawala patungong Al-Balad airbase kung saan naka deploy ang mga sundalong Amerikano.
Kinumpirma naman ng Iraqui military ang ginawang missile attacks sa Baghdad at sa al-Balad.
Sa nasabing pag-atake walang naitalang mga casualties.
Wala pang umaako kung sino ang nasa likod ng pag-atake.
“We ask security forces in the country to get at least 1,000 meters away from US bases starting on Sunday at 5 p.m.,” pahayag ni Kataeb Hezbollah. (AFP)