-- Advertisements --

Kinumusta ni US president-elect Donald Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ina nito na si dating First Lady Imelda Marcos.

Ito ang isa sa mga naging tinalakay ng dalawa sa ginawang pag-uusap ng dalawa sa telepono.

Sa una ay binati ni Marcos si Trump matapos ang pagkapanalo sa katatapos na halalan laban kay US Vice President Kamala Harris.

Sinabi pa ng pangulo na ang kaibigan talaga ni Trump ay ang ina nito kung saan magkakilala ang dalawa.

Ilan sa mga tinalakay nila ay ang pagpapatibay ang alyansa ng US at Pilipinas.

Ipinagmalaki din ni Marcos na maraming mga Pinoy na nasa US ang bumuto para kay Trump.

Sabik rin ito ng makipagkita ng personal sa mga susunod na mga buwan.

Una ng inabisuhan ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang mga hindi dokumentadong Pinoy na nasa Amerika na lumikas matapos ang ginawang pagbabanta ni Trump na kaniyang papalayasin ang mga hindi dokumentadong mamamayan sa US.