-- Advertisements --

Binalewala lamang ni dating US President Donald Trump ang naging desisyon ng kaniyang katunggali sa halalan na si President Joe Biden na huwag ng ituloy ang muling pagtakbo nito.

Sinabi nito na maganda na lamang ito na umatras dahil si Biden ang pinakamasamang pangulo sa kasaysayan ng US.

Bagamat wala pang tiyak na nominasyon ang Democrats ay minaliit lamang nito si Vice President Kamala Harris kung ito nga ba ang ipapalit na tatakbo.

Giit ng dating pangulo na mas madaling talunin si Harris kumpara kay Biden kaya walang kahirap-hirap.

Magugunitang nagpasya si Biden na huwag na lamang tumakbo muli sa pagkapangulo matapos ang panawagan ng kaalyado nito sa Democrats na umatras na dahil sa kaniyang kalusugan.