Bumwelta si US President Donald Trump sa isinagawang debate ng mga Democratic presidential candidates na pagpipilian ng partido upang harapin siya sa susunod na taon.
Nangantiyaw pa si Trump na desperado na ang kanyang mga kalaban lalo na at bagsak daw sa survey sa mga nanood.
“The people on the stage tonight, and last, were not those that will either Make America Great Again or Keep America Great! Our Country now is breaking records in almost every category, from Stock Market to Military to Unemployment. We have prosperity & success like never before,” ani Trump sa kanyang Tweets.
Una rito, pinuntirya ng mga Democrats si Trump at kinuyog sa kanilang mga batikos.
Kabilang sa kanilang puna ay ‘wag hahayaang manatili pa ng apat na taon ang isang racist sa White House.
Kasama sa tumuligsa ng husto kay Trump sa second day ng debates ay ang dating California attorney general na si Senator Kamala Harris at dating Vice President Joe Biden.