-- Advertisements --
trump 4

Tila walang kahit anong sakit o pandemic ang makakapigil kay President Donald Trump sa pagiging positibo nito na muling makakabangon ang ekonomiya ng Estados Unidos.

Ito’y taliwas sa paniniwala ng nakararami na tanging vaccine lamang ang magiging sagot para muling bumalik sa normal ang pamumuhay ng lahat.

Sa isinagawa nitong coronavirus press briefing, sinabi ni Trump na sa kabila ng kaniyang pagiging kumpyansa na magkakaroon na ng gamot para sa COVID-19 bago matapos ang taong ito, hindi raw ito gaanong importante para sa muling pagbangon ng Amerika.

Inanunsyo rin ng Republican president ang “Operation Warp Speed” kasabay nang pagmamadali ng mga researchers sa buong mundo na makagawa ng vaccine na papatay sa virus.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Amerika ng higit 88,000 coronavirus deaths at 1.4 milyong kumpirmadong kaso ng sakit.

“We think we are going to have a vaccine in the pretty near future, and if we do, we are going to really be a big step ahead and if we don’t, we are going to be like so many other cases where you had a problem come in, it’ll go away at some point, it’ll go away,” wika ni Trump.

Binigyang-diin naman ng World Health Organization (WHO) ang kritikal na pangangailangan upang makapagbigay ng equitable access sa naturang vaccine saan mang parte ng mundo.

“We need to unleash the full power of science to deliver innovations that are scalable, usable, and benefit everyone everywhere at the same time,” saad ni WHO Director-General Tedros Ghebreyesus.