-- Advertisements --
Magkahalong galit at pagkadismaya ang naramdaman ni US President Donald Trump matapos na mahatulang makulong ang kaniyang dating campaign manager nito na si Paul Manafort.
Ayon sa US President na isang gawa-gawa lamang ang alegasyon na may sabwatan sila ng Russia noong nakaraang halalan.
Isinagawa ni Trump ang pahayag bago ang pagtungo niya sa Alabama para bisitahin ang mga nasalanta ng buhawi.
Nauna rito hinatulang makulong ng halos apat na taon na pagkakakulong ng federal court sa Alexandria, Virginia at pinagbabayad ng $24 million dahil sa pagtatago ng US tax authorities na nagkakahalaga ng $55 million noong ito ay nasa pro-Russia.