-- Advertisements --

Lalagda sa susunod na linggo si US President Donald Trump ng executive order upang ibalik ang paggamit ng plastic straws. 

“I will be signing an Executive Order next week ending the ridiculous Biden push for Paper Straws, which don’t work. BACK TO PLASTIC!” sinabi ni Trump. 

Ipinatupad ang paggamit ng paper straw sa ilalim ng administrasyong Biden na layong bawasan ang plastic pollution. 

Bilang bahagi ng isang eco-friendly na inisyatiba, nagtakda si Biden ng mga hakbang upang i-phase out ang mga single-use plastic utensil, kabilang ang mga drinking straw, sa mga ahensya ng gobyerno pagsapit ng 2035. 

Gayunpaman, tinutulan  ni Donald Trump,  ang pagsulong sa paggamit ng paper straws.