-- Advertisements --

Maraming mga offshore betting sa US ang naglabas na ng kanilang mga prediksyon sa kung sino ang mananalo sa pagitan nina US Vice President Kamala Harris at dating US president Donald Trump.

Sa natitirang 12 araw ng 2024 presidential election ay tumaas ang probability of winning ni Trump sa nagdaang dalawang linggo.

Ibinase ng ilang mga odds company ang 538 electoral votes.

Nakasaad sa ilang mga betting odds na mayroong 64.1 percent na chance of winning para sa pagkapangulo si Trump.

Base sa kasaysayan ng betting odds na bigo ang betting markets na mahulaan ang pagkapanalo ni Trump noong 2016.

Sa ngayo ay puspusan ang dalawang kampo sa kanilang kampanya kung saan mayroon ibang mga kasama pang singers at celebrities ang ilan para makapang-enganyo ng mga botante.