-- Advertisements --

Nanantiling ligtas si dating US President Donald Trump matapos ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa kaniyang kinaroroonan.

Ayon kay Trump campaign spokesman Steven Cheung, na walang anumang natamo o maging ang kaniyang mga kasamahan ay ligtas.

Kasalukuyan kasing naglalaro ang dating pangulo sa Trump International Golf Club sa West Palm Beach ng mangyari ang insidente.

Dahil sa pangyayari ay isinara ng mga otoridad ang lugar at pansamantalang itinigil ang laro.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.