-- Advertisements --

Kinumpirma ni US president-elect Donald Trump na handa na itong magdeklara ng national emergency at gumamit ng military asset para isagawa ang mass deportation campaign.

Ang nasabing pagpapalayas sa mga undocumented immigrants ay siyang pangunahing programa niya na ipapatupad sa unang araw ng kaniyang pagkaupo.

Maraming mga conservative group sa US ang naghahanda na rin para sa pagpapatupad ni Trump ng mass deportation.

Una rin tiniyak ng mga Democratic leaders na hindi nila susuportahan ang deportation agenda na ipapatupad ni Trump.