-- Advertisements --
Magpapatupad umano ang Amerika ng matagalang pagkulong sa mga illegal migrants na magpupumilit na tumawid sa kanilang bansa.
Ayon sa Department of Homeland Security, kanilang tinatanggal na ang 1997 Flores Settlement Agreement na dapat ikustodiya ang mga anak ng mga migrants sa loob ng 20 araw.
Nakasaad sa bagong batas na walang limitasyon kung gaano katagal ang mga bata at kanilang mga kaanak na makukulong.
Magiging epektibo na ang nasabing bagong batas pagkatapos ng 60 araw.