Ipinangako ni US President Donald Trump na magsasagawa ito ng matinding hakbang laban sa diversity programs at mga polisiya ukol sa gender identity sa kanyang administrasyon.
Inaasahang maglalabas si Trump ng executive order ngayong Lunes na naglalayong bawasan ang mga inisyatibang pinapalakas ng gobyerno na nakatutok sa diversity, equity, at inclusion policies na may kaugnayan sa gender identity, partikular sa pagkilala sa mga karapatan ng mga transgender.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon, tiniyak ni Trump ang mga pagbabagong ito, sinabi na ang gobyerno ng Estados Unidos ay kikilalanin lamang ang dalawang uri kasarian (lalaki at babae), at haharangan ang pagsusulong ng gender diversity o “gender ideology.”
‘I will also end the government policy of trying to socially engineer race and gender into every aspect of public and private life,’ ani Trump sa kaniyang inauguration.
Binigyan diin pa ni Trump na dalawang uri ng kasiraan lamang umano ang kikilalanin ng gobyerno ng US kung saan nagbigay daan sa mga option para sa mga polisiya mula sa ikatlong gender, tulad ng paglalagay ng “X” na gender marker sa mga pasaporte.
Isa sa mga pinaka-kontrobersyal na aspeto ng plano ni Trump ay ang kanyang posisyon sa mga isyu ng transgender.
Nais ng administrasyon ni Trump na limitahan ang pagkilala sa kasarian bukod sa lalaki at babae at inaasahang magpatuloy sa mga hakbang na maaaring maglimita sa access ng mga amerikanong menor de edad sa gender-affirming care, isang pangunahing isyu na ipinaglalaban ni Trump sa kanyang kampanya.
HAMON PARA SA MGA TRANSGENDER
Ang bagong adhikain ng bagong Presidente ng Estados Unidos ay nagpapakilala tungkol sa mga isyu sa transgender at gender identity na isang pangunahing bahagi ng kanyang kampanya, kung saan maraming tagasuporta ang sumuporta sa kanyang pananaw laban sa labis na political correctness at identity politics na umiiral sa Amerika.
Inaasahan naman na magpapalakas pa ang mga bagong hakbang na ito sa patuloy na debate ukol sa kultura, pagkakakilanlan, at mga karapatang pantao sa Amerika.
Ang mga pagbabagong ito sa polisiya, bagamat kontrobersyal, ay akma sa mas malawak na ideolohiyang agenda ni Trump ng pagtutol sa tinatawag niyang ‘woke culture.’ Gayunpaman, malamang na makatagpo ito ng matinding oposisyon mula sa mga civil rights groups, partikular na mula sa mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga transgender.