Naglabas ngayon ng panibagong panuntunan si US President Donald Trump para makakuha ng mga papeles ang mga legal migrants.
Layon nito na mas mahirapan pa ang mga legal migrants na mapalawig ang kaniyang visas o makamit ang kanilang permanent resident status.
Target ng nasabing kautusan ang mga migrants na umaasa sa public benefits gaya ng food aid o public housing sa loob ng ilang taon.
Agad na hindi aaprubahan ang kanilang aplikasyon sakaling madiskubre ito ng gobyerno.
Magiging epektibo ang nasabing kautusan sa Oktubre 15 kapag mailathala na ito sa Federal Register.
“We must ensure that non-citizens do not abuse our public benefit programs and jeopardize the social safety net needed by vulnerable Americans. Large numbers of non-citizens and their families have taken advantage of our generous public benefits, limited resources that could otherwise go to vulnerable Americans,” bahagi ng statement ng White House. “78 percent of households headed by a non-citizen with no more than a high school education use at least one welfare program. 58 percent of all households headed by a non-citizen use at least one welfare program. Half of all non-citizen headed households include at least one person who uses Medicaid.”
Ayon sa Department of Homeland Security aabot sa 382,000 katao ang agad umanong maaapektuhan para sa adjustment ng kanilang immigration.
Gayunman ayon sa mga immigration advocates, milyong katao ang tatamaan sa naturang bagong regulasyon.
Ilang sektor naman sa Amerika ang nagpaabot kaagad nang pagkontra sa naturang polisiya.
Kabilang na si New York Attorney General Letitia James na tiniyak na haharangin niya ito.
Nangangamba si James na maraming mga bata ang magugutom at pamilya na mawawalan ng medical care dahil dito.
“President Trump’s new public charge rule is yet one more example of his Administration turning its back on people fighting to make a better life for them and their families,” ani James sa statement. “Under this rule, children will go hungry; families will go without medical care. I am committed to defending all of New York’s communities, which is why I intend to sue the Trump Administration over this egregious rule.”