-- Advertisements --
Itinalaga ni US President Donald Trump si Robert O’Brien bilang bagong national security adviser.
Ang US hostage negotiator ay papalit kay John Bolton na kamakailan ay sinibak ni Trump.
Magiging pang-apat na si O’Brien na uupo sa nasabing puwesto mula nang mahalal si Trump.
Sinabi ni Trump na matagal na niyang kilala si Robert at tiwala itong magagampanan ng tama ang trabaho.
Isang abogado mula sa Los Angeles si O’Brien na naging foreign policy adviser sa ilang Republican presidential campaigns.
Hinawakan nito ang ilang mga high-profile cases gayundin iba’t ibang State Department positions kabilang ang pagiging representatives to UN General Asssembly noong taong 2005.