-- Advertisements --

Inamin ni US President Donald Trump na nagdadalawang isip umano ito na ituloy ang ipapataw na mas mataas na buwis sa mga produkto ng China at ang pananakot nito na isakatuparan ang 1977 act kung saan gagamitin ni Trump ang kaniyang emergency powers bilang pangulo upang tanggalin ang lahat ng US companies sa China.

Aniya, sa ngayon ay hindi niya pa maaaring ituloy ito dahil maganda pa ang samahan nila ng China. “I have no plan right now. Actually, we’re getting along very well with China right now. We’re talking,” ani Trump.

Pahayag pa nito, hindi umano siya minamadali ng kaniyang mga ka-alyado hinggil sa pakikipagkalakan nito sa China.

“I think they respect the trade war. I can’t say what they’ve been doing to the U.K. and to other places, but from the standpoint of the United States, what [China] has done is outrageous,”

Sa kabila nito ay tinaliwas ni White House press secretary Stephanie Grisham ang naging pahayag ng presidente.

“This morning in the bilat with the UK, the President was asked if he had ‘any second thought on escalating the trade war with China’. His answer has been greatly misinterpreted. President Trump responded in the affirmative – because he regrets not raising the tariffs higher,” saad ni Grisham.

Ang G7 summit ay pagpupulong ng pinaka-makapangyarihang bansa sa ekonomiya, kasama rito ang United States, Germany, France, Japan, Italy, Canada at United Kingdom.