-- Advertisements --

Minaliit lamang ni US President Donald Trump ang naganap na malawakang cyberattack sa iba’t ibang government agencies.

Ayon kay Trump, “under control” na ang sitwasyon.

Dagdag pa nito, sinabihan na siya ng kaniyang mga eksperto ukol sa nangyayaring cyberattack.

Hindi lamang aniya ang Russia ang nasa likod ng pangyayari at ito ay posible ang China rin ang may kinalaman sa insidente.

Ang nasabing pahayag, tila raw taliwas sa naging komento noon Secretary of State Mike Pompeo na direktang inaakusahan ang Russia.

Nauna nang itinanggi ng Russia na sila ang nasa likod ng malawakang cyberattack sa US.